Update: 3 presong nakapuga sa QC Jail, tinutugis; natakasang parak, sinuspindi na

HINAHANTING na ng pulisya para maibalik sa selda ang tatlong kriminal na nakatakas sa Quezon City Police District police detention cell matapos nilang mapatumba ang nag-iisang pulis na magpapasok sa kanila sa kulungan kaninang madaling araw.

Kinilala ni QCPD Police Station 10 head P/Supt. Marcelino Perdrozo Jr. ang mga nakapugang preso na sina Ruel Dante at Jestoni Rebuto, na kapwa naaresto sa robbery-snatching incident at si Jedi San Luis, na natiklo naman sa drug-related offense.

Dahil naman sa insidente, isinailalim sa preventive suspension ang officer on duty na si SPO1 Chester Ticobay, habang ikinakasa ang imbestigasyon hinggil sa insidente.

Sa imbestigasyon, lumabas na ang naturang mga preso ay dinala ng mga local village officials sa Kamuning police station para ikulong.

Pero habang ipinapasok ni Ticobay sa detention cell mula sa holding area ang mga preso, tinulak ng isa sa kanila ang bakal na pintuan ng kulungan kaya nawalan ng balanse ang naturang pulis at nabuwal sa sahig.

Sinamantala naman ito ng mga preso kaya nagsitakbuhan palabas ng Kamuning police station at saka pa lamang nakatayo si Ticobay para humingi ng tulong sa kanyang mga kasamahan pero mabilis na parang bulang nawala na ang mga preso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply