UPDATE: 41 na sugatan sa Davao grenade explosion

AYON kay Davao City Police Chief, Police Senior Superintendent Ronald dela Rosa, nadagdag sa listahan ng mga nasugatan sa naganap na pagpapasabog sa Davao ang apat na bata.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 41 ang bilang ng mga nasugatan sa insidente kung saan lima ang nasa malubhang kondisyon.

Blangko pa rin ang awtoridad sa grupong responsable sa pagpapasabog ng granada na isang uri ng fragmentation grenade.

Pero ayon kay Philippine Army 10th Infantry Division Spokesman Lt. Col. Lyndon Paniza, posibleng ang mga sundalong nakatalaga sa Barangay Fatima, distrito ng Paquibato, Davao ang target ng mga suspek.

Tumanggi naman si Colonel Paniza na direktang idawit sa insidente ang New People’s Army (NPA) dahil patuloy pa rin ang imbestigasyon sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply