UPDATE: 80 na patay sa China quake

BATAY sa huling tala ng Chinese authority, umabot na sa 80 katao ang namatay sa magnitude 5.7 at 5.6 na lindol na tumama sa border ng Yunnan at Guizhou provinces na sinundan ng maraming aftershocks.

Batay sa ulat sa telebisyon, umabot na sa 730 ang mga nasugatan sa lalawigan lamang ng Yunnan.

Sinabi pa sa ulat na mababaw ang mga pagyanig kaya malaki ang idinulot na pinsala.

Putol din ang linya ng komunikasyon sa lugar at walang supplay ng kuryente.

Hindi rin mapasok ang lugar dahil sa pagguho ng lupa kasunod ng lindol.

Ayon pa sa ulat, sinabi ng Yunan civil affairs department, na nasa 6,650 bahay ang “totally damaged” at 430,000 mga bahay ang sinira ng lindol.

Sa Guizhou provinces, may 10,000 kabahayan ang “bahagyang napinsala” habang 18 naman ang gumuho.

Agarang tumulong sa mga naapektuhan ng kalamidad ang Red Cross at si Chinese President Hu Jintao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply