UPDATE: 9 patay sa salpukan ng bus, tanker

DAHIL sa pasaway na motorsiklo, siyam katao ang nasawi habang mahigit 20 iba pa ang  malubhang nasugatan ng magsalpukan ang isang passenger bus t at  isang oil tanker kaninang madaling araw sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Sa ulat na nakarating sa Philippine National Police-Highway Patrol Group, naganap ang madugong aksidente bandang alas 2:30 ng madaling araw sa may Sitio Kurba, Barangay Bantog, bayan ng Muñoz, sa nabangit na lalawigan.

Sa inisyal na report na isinumite ni Nueva Ecija Provincial Police Director Senior Superintendent Walter Callejos, nasawi sa insiyal na impact ang driver ng Victory Liner bus at limang pasahero nito, habang namatay din ang driver ng Petron tanker na kinilalang si Silvino Marco.

Habang ang dalawang sakay ng motorsiklo na sinasabing sanhi ng aksidente na isang babae at isang lalaki na tumatakbo din sa lansangan ay nadamay at kapwa inabot ng dagliang kamatayan.

Wala pang opisyal na bilang at pagkakikilanlan sa mga sugatan sa aksidente na dinala sa iba’t ibang sa ospital.

Nabataid na alas-2:30 ng madaling araw naganap ang banggaan sa Maharlika Road sa Bantog na kinasasangkutan ng nasabing bus na nagmula sa Tuguegarao City papuntang Maynila na may sakay na 40 pasahero at ang kasalubong na fuel tanker na nagmula naman sa Maynila.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Neva Ecijia PNP, iniwasan umano ng bus ang motorsiklo kaya sumalpok sa oil tanker.

Nakaligtas naman ang kundoktor ng bus at pahinante ng tanker at kapwa pakay ngayon ng imbestigasyon.

“May iniiwasan na motor ang bus, galing ito norte papunta Manila. Nahagip niya ang motor at nagkaroon ng head-on collision sa tanker na papuntang norte,” ayon sa opisyal.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply