UPDATE: Aftershocks 139 na, tatagal ng buwan

AYON sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), posibleng abutin pa ng buwan ang mararanasang aftershocks makaraang yanigin ng magnitude 7.7 na lindol ang Visayas at Mindanao kagabi.

Habang tinitipa ito, umabot na sa 139 ang naitalang aftershocks ng Phivolcs.

Gayunman, sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum na habang tumatagal ay unti-unti na rin umano itong mababawasan hanggang sa tuluyang hindi na maramdaman.

Natunton ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa bahagi ng karagatan 112 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Naramdaman din ang pagyanig sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao. Ngunit maging sa ilang bahagi ng Luzon partikular na sa Cagayan Valley ay naramdaman din ang pagyanig. Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Director Benito Ramos ito ay dahil sa paggalaw ng Philippine Trench.

Naramdaman naman ang Intensity VII sa Guiuan, Oras, Sulat, Borongan City, Eastern Samar; Tacloban City, habang Intensity VI naman ang naramdaman sa Siargao, Surigao del Norte at Saint Bernard, Southern Leyte.

Intensity V ang naramdaman sa Mati City; Compostela; Legaspi City; Iloilo City; Bislig City, Iligan City; Davao City; Cateel Davao Oriental at Roxas City, Capiz.

Sa Butuan City, Catbalogan City, Cagayan De Oro City; Dipolog City; Manukan, ZN; Polanco, ZN; Tagum, Davao del N., Digos City; Dumaguete City at Bacolod City ay naramdaman ang pagyanig na Intensity IV habang Intensity III naman sa Cotabato City, Mambajao, Camiguin, General Santos City; Dao, Capiz, Dingle, Iloilo; Kidapawan City; Jaro, Iloilo; Daet, Cam. Norte; Binalbagan Negros Occidental at Sindanga, Zamboanga del Norte

Intensity II naman ang naramdamang pagyanig s Marawi City, Sipalay City, Hinigaran, La Carlota La Granja, Negros Occidental at  Cebu City.

Itinaas din sa alert level 3 ang tsunami warning na inalis lamang kaninang hatinggabi.

Naitala rin ng Phivolcs ang maliit na tsunami sa Surigao City na umaabot sa 19 centimeters habang kalahating metro naman ang naitala sa Siargao.

Isa rin ang naitalang patay ng NDRRMC.

Kinilala ang biktima na si Emilita Ubalde, 54-anyos habang sugatan naman ang kanyang apo na si Bryan matapos gumuho ang kanilang bahay.

Ilang gusali at establisimiyento rin ang nagkaroon ng bitak at sira dahil sa lindol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply