UPDATE: Bagyong Karen bahagyang lumakas

BAHAGYANG lumakas ang bagyong Karen habang tinatahak Hilagang Kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 135 kilometro kada oras.

Huling namataan ang bagyong Karen sa layong 540 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes.

Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado ng gabi ngunit maliit lamang ang posibilidad na tumama ito sa kalupaan.

Paiigtingin pa rin nito ang hanging Habagat na siyang magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa lalo na sa Visayas at katimugang Luzon kabilang na ang Metro Manila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply