UPDATE: ‘Karen’ lumakas pa

LALO pang lumakas ang typhoon Karen habang tumatahak ito pa-Hilagang Kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan ang bagyong Karen sa layong 740 kilometro Silangan ng Tuguegarao, Cagayan.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 220 kilometro bawat oras.

Ayon sa PAGASA, maliit lamang ang posibilidad na tumama ito sa kalupaan, ngunit paiigtingin pa rin nito ang hanging Habagat na siyang magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa lalo sa Visayas at Katimugang Luzon kabilang na ang Metro Manila.

Ang agwat naman ng temperatura sa Kamaynilaan ay tinatayang aabot mula 24 hanggang 30 antas ng sentigrado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply