UPDATE: ‘Lawin’ lalong lumakas

LALONG lumakas pa ang bagyong Lawin habang tinatahak ang direksyong hilaga-hilagang kanluran, ito ang pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, taglay ni Lawin ang hanging aabot sa 205 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugsong aabot sa 240 kph. Huling namataan si Lawin sa layong 520 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora.

Ayon pa sa PAGASA, tinatayang 800 kilometers ang diameter ng bagyo at maraming dalang tubig na katumbas ng 10-20 milliliters (ml) kada oras.

Nakataas ang Public Storm Warning Signal No. 1 sa Isabela, Cagayan, Calayan at Babuyan Groups of Islands.

Bukas, Miyerkules, inaasahang nasa 325 kilometro silangan ng Tuguegarao City si “Lawin”.

Unang sinabi ni PAGASA weather forecaster Manny Mendoza na kung magtutuloy ang direksyon ng bagyo ay makalalabas na ito ng Philippine area of responsibility (PAR) sa Sabado ng umaga.

Samantala, may namataang high pressure area (HPA) sa Mainland China na posibleng dahilan ng pagbagal ng kilos ni “Lawin.”

Naglalaro lamang sa pito hanggang siyam na kilometro ang bilis ng bagyo dahil posible umanong itulak pababa ng HPA ang bagyo na patungo ng Northern Luzon.

Sa pagtaya ng PAGASA, maaaring harangin, payungan o itutulak pababa ng HPA si Lawin kaya may posibilidad itong kumilos ng west, northwest patungong Northern Luzon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply