UPDATE: ‘Lawin’ lumakas pa; Isabela, Cagayan, Calayan at Babuyan signal No. 1

SA HULING update ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), lumakas pa si super typhoon Lawin habang tinutumbok ang direksyong pa-hilaga-hilagang kanluran.

Ayon sa PAGASA sa ulat sa telebisyon kaninang umaga, taglay ni Lawin ang lakas ng hangin na 195 kilometers per hour malapit sa gitna at may gustiness na aabot sa 230 kph.

Kaninang alas-4:00 ng umaga namataan ang bagyo sa 585 kilometro silangan ng Baler, Aurora.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-hilaga, hilagang-kanluran sa bilis na 11 kph.

Sa pagtaya ng PAGASA, ang bagyo ay magdudulot ng “heavy to intense” rainfall amount na ang ibig sabihin ay may katumbas ng 10 hanggang 20 millimeters bawat oras ang dala nitong ulan.

Inaasahang lalabas sa teritoryo ng bansa ang bagyo sa Sabado ng umaga.

Signal No.
Isabela
Cagayan
Calayan
Babuyan

Ang mga nakabanggit na lalawigan ay inaasahang makararanas ng malalakas na pag-ulan na may kasamang pagbugso ng hangin. Ang mga residente sa mga nabanggit na lugar ay inaalerto laban sa flashflood.

Nakataas pa rin ang gale warning sa western seaboards ng Ilocos Norte at sa seaboards ng Eastern at Southern Luzon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply