UPDATE: ‘Lawin’ lumalakas habang papalapit sa Cagayan, Batanes

PATULOY na lumalakas ang super typhoon Lawin habang papalapit sa bahagi ng Cagayan at Batanes.

Batay sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), taglay ng super bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 205 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 240 kilometro kada oras.

Namataan ang super typhoon Lawin sa layong 465 kilometro silangan ng Tuguegarao City.

Nakataas ang babala ng bagyo bilang dalawa sa mga isla ng Batanes, Calayan at Babuyan gayundin sa lalawigan ng Cagayan.

Habang nakataas naman ang babala ng bagyo bilang isa sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Kalinga, Apayao, Abra at Isabela.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply