UPDATE: ‘Lawin’ um-exit na sa Pinas

TULUYAN nang lumabas sa teritoryo ng Pilipinas ang bagyong Lawin na bahagyang bumilis sa 20 kilometers per hour (kph) patungong Japan.

Batay sa update ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kaninang 4:00 ng umaga namataan si “Lawin” (Jewalat) sa layong 610 kilometro ng Itbayat, Batanes.

Napanatili ni Lawin ang lakas ng hangin na 175 kph malapit sa gitna at gustiness na aabot sa 210 kph.

Dahil wala na sa teritoryo ng Pinas ang bagyo, inalis na ng PAGASA ang storm warning signals sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo.

Gayunman, binalaan pa rin ng PAGASA ang mga mangingisda na patuloy ang paglakas ng alon sa seabords ng Northern Luzon.

Nilinaw din ng PAGASA, na ang mga nararanasang pag-ulan sa Metro Manila ay bunsod ng hanging Habagat.

Kabilang din sa mga uulanin dahil sa Habagat ay ang Cabarzon, Mimaropa, Central Luzon, at pati na ang Surigao del Sur at Davao Region.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply