UPDATE: Lindol sinundan pa ng magkakasunod na aftershocks

MAGKAKASUNOD na aftershocks ang patuloy na nararamdaman kasunod ng yumanig na magnitude 7.6 na lindol sa Guiuan, Eastern Samar kagabi.

Kaninang 4:26 ng umaga ay nagkaroon muli ng magnitude 4.9 na lindol sa layong 112 kilometro sa Silangan ng Guiuan, Eastern Samar na may lalim na 12 kilometro.

Nasundan naman ito ng magnitude 4.8 kaninang 6:01 ng umaga sa layong 108 kilometro sa Silangan ng Guiuan at may lalim na 26 kilometro.

Samantala, nagpatuloy pa rin kaninang umaga ang aftershocks sa bahagi ng Burgos, Surigao Del Norte matapos ang magnitude 6.4 na lindol doon kagabi.

Kaninang 12:55 ng umaga muli itong tinamaan ng magnitude 4.7 na lindol sa layong 119 kilometro sa silangan ng Burgos, Surigao Del Norte at may lalim na 11 kilometro.

Nasundan naman ito ng magnitude 3.7 na lindol kaninang 2:34 ng umaga at magnitude 4.6 kaninang 3:40 ng umaga.

Nasundan pa ito kaninang 5:22 ng umaga ng magnitude 4.8 na lindol sa layong 129 kilometro sa silangan ng Burgos, Surigao Del Norte, na may lalim na 24 kilometro.

Nagdulot din ng maliliit na tsunami ang malakas na lindol na yumanig bansa sa kagabi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply