UPDATE: Luzon pauulanin ng Typhoon Karen

PAUULANIN ng Typhoon “Karen” ang maraming bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila ngayong araw.

Ayon sa PAGASA, mararanasan ang madalas na bahagya hanggang malakas na pag-ulan ang Central Luzon, Calabarzon, MIMAROPA, Bicol region at Western Visayas, gayundin ang Maynila, na may kasamang pagkulog at pagkidlat.

Batay sa bulletin ng PAGASA kaninang alas-singko ng umaga, ang bagyo ay namataan sa 690 kilometers ng east of Itbayat, Batanes.

Taglay ng bagyo ang maximum sustained winds na 185 km per hour malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 220 kph.

Sa pagtaya ng PAGASA, tatahakin ng bagyo ang direksyong pa-norte sa bilis na 15 kph.

Ayon din sa PAGASA, ang natitirang bahagi ng Northern Luzon at Visayas ay makararanas ng maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan.

Habang ang Mindanao naman ay magkakaroon ng partly cloudy na kalangitan at may pag-ulan sa hapon at gabi.

Kaninang umaga, dahil sa malakas na pag-ulan na nagsimula pa kagabi, nag-isyu ang PAGASA ng red rainfall warning sa Quezon City, Pasig at Manila.

Kaugnay ng pag-ulan, maraming bahagi ng Metro Manila ang lubog sa baha at dahil dito maraming pamantasan ang nagkansela ng kanilang klase ngayong araw para sa kaligtasan ng kanilang mga mag-aaral at maging ng kanilang mga kawani.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply