Pumatay sa engineer, natagpuang patay; 2 kasabwat tukoy na

NATAGPUANG patay kaninang umaga lamang sa Ligao City ang bumaril at pumatay kay Makati City Engineer Nelson Morales na tumatayong chairman ng United Nationalist Alliance (UNA) sa Albay.

Si Christian Saysay, residente ng bayan ng Libon, na nagtamo ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ay itinuturong bumaril kay Morales habang palabas ito sa isang simbahan sa Malinao, Albay nitong Biyernes ng umaga.

Nakuha rin ng pulisya kay Saysay ang kanyang cellphone na naglalaman ng mga detalye hinggil sa pagpatay kay Morales kaya lalong tumibay ang kaso laban dito.

Bukod dito, sinabi rin ni Chief Inspector Robert Capuz, hepe ng Malinao Municipal Police Station, na kilala na nila ang dalawang kasabwat ni Saysay pero hindi muna pinangalanan alinsunod sa ikakasang pagtugis laban sa suspect.

Tumanggi namang magbigay ng mga detalye si Capuz hinggil sa pagpatay kay Saysay dahil baka ito makaapekto sa ikinakasa nilang imbestigasyon pero malinaw na pinatahimik na ito ng taong nasa likod ng pagpatay kay Morales.

Kaugnay nito, nanawagan si Vice Presidente Jejomar Binay sa PNP na agarang resolbahin ang krimen at mabigyan ng hustiya ang iniwang pamilya ni Morales.

“I mourn the killing of Nelson Morales, who was my city engineer during my term as Makati mayor. At the time of his death, he was chairman for Albay of the United Nationalist Alliance (UNA),” ani Binay.”I strongly urge the Philippine National Police to go after the perpetrators of this crime. The family of Nelson Morales deserves justice.”

Nakaligtas naman sa ambush ang kapatid ni Nelson na si Vice Mayor Alice Morales matapos na paulanan ng bala ng tatlong armadong kalalakihan habang papalabas ng simbahan sa Albay makaraang dumalo sa isang kasal.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply