UPDATE: Storm signals ibinaba na; ‘Lawin’ eeksit na sa bansa bukas

IBINABA na ang storm signals sa ilang lugar sa Northern Luzon.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Authority (PAGASA), nasa storm signal number 2 na lamang ang Batanes Group of Islands habang nasa signal No. 1 naman ang Calayan at Babuyan Group of Islands

Sa 11 a.m. advisory ng PAGASA, napanatili ng bagyong Lawin (Jelawat) ang lakas habang ito ay patuloy na kumikilos sa direksyon ng hilaga-hilaga-silangan sa bilis na 13 kilometers per hour.

Huling namataan si Lawin sa layong 290 km hilaga-silangan ng Itbayat, Batanes, na may maximum sustained winds na 185 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 220 kph.

Iaasahang lalabas ang bagyong Lawin sa Philippine Area of Responsibility sa bukas, Sabado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply