Update: ‘Torture couple’ hiwalay nang nakakulong

NASA pangangalaga na ng female dormitory ng Kampo Karingal si  Mrs. Analiza Marzan habang ang mister  nitong  si Reynold Marzan  ay idineretso sa Quezon City Jail habang hinihintay pa ang desisyon ng branch 77 ng Quezon City Regional Trial Court  kung ibabasura ang mosyong inihain  ng mga akusado  sa piskalya .

Bandang alas 2:45 kanina nang dumating sa Kampo Karingal mula sa Senado ang mag-asawang Marzan sakay ng maroon na Toyota Revo .

Hindi nakaposas ang mag-asawang Marzan  kung saan nakapantalon at round neck tshirt na puti na may red stripe si Mrs.Marzan samantalang casual na damit naman ang suot ni Reynold,

Mula sa labas ng compound ng female dormitory ay magkaakbay na naglakad papasok ang dalawa habang hinihintay ng mga babaeng preso

Inaantabayanan na lamang dito  ang ilalabas na desisyon ni presiding Judge Germano Francisco Legaspi ng QCRTC branch 77 kaugnay sa Extreme Urgent Motion for Commmitment ng kampo ng mga akusado na humihiling sa korte na sa NBI detention cell na lamang sila parehong makulong.

Hinihiling din sa korte ng panig ng mga Marzan sa pamamagitan ng kanilang legal counsel na si Atty. Joel Ferrer na sa detention cell na lamang ng NBI sila maikulong matapos silang akusahan ng pambubugbog sa kanilang kasambahay na si Bonita Baran.

Ayon kay Atty. Ferrer, hindi sila humihingi ng special  treatment kundi nais lamang daw nilang ikonsidera ng korte ang medical record ni Analiza Marzan na may sakit sa kidney bukod pa hindi normal nitong blood pressure.

Mas makabubuti rin anilang sa NBI detention cell mamalagi ang mag-asawang akusado upang maging accessible sa pagdalaw ng 3 batang anak ng mga ito na dumalo rin sa katatapos na pagdinig.

Mahigpit naman itong tinutulan ng panig ng prosekusyon sa pamamagitan ni ACP Ulric Badiola sa pagsasabing kayang tugunan ng QC jail ang kalagayang pangkalusugan ng sinumang preso.

Dumalo sa ginanap na hearing ang tatlong anak ng mga Marzan na nagkakaedad ng 14, 15 at 11-anyos na lalaki.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply