UPDATE: Typhoon Karen napanatili ang lakas

NAPANATILI ng typhoon Karen ang lakas nito, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, umaabot ang hangin nito sa 185 kilometro bawat oras na may pagbugsong umaabot sa 220 kilometro kada oras. Kumikilos ito ng pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Huling namataan ang sentro ni Karen sa layong 740 kilometro sa silangan ng Aparri, Cagayan.

Inaasahang lalabas ito sa Philippine area of responsibility (PAR) sa darating na Linggo.

Ngunit sa hiwalay na ulat ng US-based Joint Typhoon Warning Center (JTWC) isa nang ganap na super typhoon ang bagyong Karen.

Ayon sa JTWC, ang bagyong Karen ang itinuturing na pinakamalakas na bagyo sa Pacific region.

Sa kanilang pagtaya, umaabot na sa 277 kilometro kada oras ang dalang hangin ng nasabing sama ng panahon at may pagbugsong umaabot sa 333 kilometro bawat oras.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply