UPDATE: Typhoon Lawin category 5 hurricane na

CATEGORY 5 hurricane na ang kalibre ng super typhoon Lawin na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR), ayon ito sa ulat ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC) kaninang tanghali.

Ayon sa pananaliksik, ito na ang ikalawang pinakamalakas na bagyo sa loob ng taong ito, kasunod ng pananalasa ng super typhoon Butchoy noong Hunyo.

Huling namataan ang sentro ng bagyong Lawin base sa satellite and surface data ng Pagasa sa layong 435 kilometro sa silangan Tuguegarao City.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 215 kilometro kada oras at may pagbugsong 250 kilometro bawat oras.

Pero bumagal ito sa siyam na kilometro kada oras habang patungo ng hilagang kanlurang direksyon.

Nakataas ang signal number 2 sa Batanes Group of Islands, Cagayan, Calayan at Babuyan Group of Islands; habang nananatili naman ang signal number 1 sa Ilocos Norte, Kalinga, Apayao, Abra at Isabela.

Patuloy na babala ng Pagasa na iwasan ang paglalayag sa silangang bahagi ng Luzon dahil sa mala-gusaling taas ng mga alon sa eastern seaboard.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply