Pagpatay sa Makati engineer sa Albay, kinondena ng UNA

 KINONDENA ng United Nationalist Alliance (UNA) ang pagpatay kay Makati Engr. Nelson Morales sa Malinao, Albay nitong nakaraang Biyenes ng umaga.

Ayon kay UNA secretary general Rep. Toby Tiangco, nakakaalarma ang naturang insidente bagama’t kumpiyansa rin silang mapaparusahan ang mga taong may kagagawan ng krimen.

Una rito, kinumpirma ni Joey Salgado, tagapagsalita ng pamilya Binay, ang pagtakbo ni Engr. Morales bilang alkalde ng bayan ng Malinao, Albay sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA).

Si Morales ay tinambangan ng tatlong armadong lalaki habang papalabas ng simbahan sa Albay at namatay din ilang oras habang ginagamot sa pagamutan.

Ito rin ay pinagkakatiwalaang opisyal nina Vice President Jejomar Binay at ng kanyang anak na si Mayor Junjun Binay, dahil nagsilbi itong city engineer sa Makati noong panahong si VP Binay pa ang alkalde ng lungsod.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply