US ambassador pinasabugan sa Libya, todas

TODAS ang isang US ambassador nang pasabugan sa Libya ng mga militante.

Nabatid na nilusob ng mga nagpoprotesta ang US Consulate sa Benghazi saka pinasabugan.

Dito na sinubukang ilayo sa lugar si Ambassador Christopher Stevens patungo sa isang ligtas na lokasyon pero pinaulanan ng rocket ang kanilang sasakyan kanyang ikinamatay, kasama ang tatlo pang staff.

Inihayag naman ng US State Department na naipaalam na sa kanila ng Libya ang pangyayari.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply