US astronaut Armstrong, sa ilalim ng dagat ihihimlay

OHIO– Napagkasunduan ng pamilya ni US Astronaut Neil Armstrong na imbes sa lupa ay sa ilalim ng dagat ikakasa ang paglilibing ng tinaguriang “greatest American hero at “The first man to step in the surface of the moon.”

Batay sa ulat, isang Navy fighter pilot si Armstrong bago nito pinasok ang space program noong 1962.

Kaugnay nito, karaniwan na sa Navy veterans ang seremonya ng libing sa dagat.

Gayunman, tumanggi na ang pamilya ng astronaut kung saan at kailan gaganapin ang paghahatid sa kanyang huling hantungan.

Bago ang libing, isang public memorial ang itinakda sa susunod na Biyenes sa Washington National Cathedral.

Noong Agosto 25, nang sumakabilang-buhay si Armstrong sa edad 82-anyos dahil sa komplikasyon matapos operahan sa puso.

Nag-iwan ng tatak sa kasaysayan si Armstrong bilang commander ng Apollo 11 mission noong July 1969, ang kauna-unahang space mission na nagdala ng tao sa buwan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply