US kinalma ng Pinas sa banta sa seguridad

KINALMA na ngayon ng security forces ng gobyerno ang Estados Unidos hinggil sa kaligtasan ng kanilang mga mamamayan sa Pilipinas.

Ito ay kasubod ng “emergency message” na inilabas ng US Embassy na pinapayuhan ang mga US citizen na mag-ingat laban sa natanggap na banta umano sa kanilang seguridad.

Ang nasabing banta umano sang-ayon sa “reliable security forces” ng US Embassy ay magtatagal hanggang Oktubre 10.

Naunang iniutos ni US Ambassador Harry Thomas, ang pagdaragdag ng seguridad sa lahat ng US government facility sa Maynila partikular na sa Pasay City dahil narito ang housing facility ng mga US government personnel.

Inilabas ang nasabing babala ng US sa gitna ng mga protesta laban sa sinasabing anti-Islam documentary na ginawa ng isang
Egyptian-American.

Sinabi ni AFP Spokesman Col. Arnulfo Burgos, wala silang natanggap o na-monitor na direktang banta laban sa mga US nationals sa bansa.

Pero ayon kay Burgos, agad naman silang makikipag-ugnayan sa PNP at ibang security agencies para mapalakas ang intelligence gathering at monitoring efforts.

Maging ang isa pang senior military intelligence official ay nagsabi ring negatibo ang nasabing impormasyon at malabong gagawin daw ito ng mga Muslim sa Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply