US$4 bilyon financial district itatayo sa Maynila

INIHAYAG kahapon ni Manila Mayor Alfredo Lim na malapit nang itayo sa Maynila ang isang US$4 bilyon halagang `Global Financial Hub’na lilikha ng mahigit 150,000 trabaho.

Ayon kay Lim ang konstruksiyon ng itatayong financial dustrict ay isasagawa sa ilalim ng “Manila Bay South Harbor Expanded Port Zone Project.”

Nabatid sa alkalde na isang foreign-based group of investors sa pangunguna ng Incheon Metropolitan City international adviser Rev. Dr. Jeon Dae Gu at  Easy Led Corp., Philippines president Man Young Yoon, ang nagpanukalang gagawa ng konstruksyon at walang gagastusin ang gobyerno.

Kabilang sa mga itatayo ay ang commerical, residential unit, kasama na ang 101-storey building na magiging pinakamataas na gusali sa bansa.

Sa ilalim ng ginawang pag-aaral, ang lugar ay gagamitan rin ng cruise ships at inaasahang maka-aakit sa karagdagang dalawang milyong turista na inaasahang dadagsa sa Maynila.

“Madalas ay naba-bypass tayo ng mga nagpupunta sa mga bansang ‘yan kasi mas marami silang napupuntahan sa ibang bansa.Eto, pagdaong nila, dun pa lang marami na silang mapupuntahan dahil may mga mall na at iba pang tourist attractions,”ayon kay Lim.

Ayon sa alkalde, kapwa makikinabang sa nabanggit na proyekto ang national at lokal na pamahalaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply