Usec. Puno, iimbestigahan ng Senado

PAIIMBESTIGAHAN sa Lunes ni Senadora Miriam Defensor Santiago ang tangkang pagpasok ni Interior and Local Government Undersecretary Rico Puno sa condo unit at opisina ni yumaong DILG Secretary Jesse Robredo.

Ani Santiago, nais niyang malamang ang “unique and anomalous” na paraan ni Puno para bigyang siya ng awtorisasyon upang pakialaman ang anumang nakatagong dokumento sa tanggapan at condo ng yumaong kalihim.

Gusto rin alamin ni Santiago ang mga hakbang na ginawa ni Puno upang matigil ang jueteng sa bansa na siyang pangunahing tungkulin nito sa DILG sa hanay ng pulisya.

Matatandaang, pinasok ng grupo ni Puno ang condo ni Robredo sa Quezon City batay sa logbook ng condominium.

Nakapasok sa penthouse ng condominium ang isang Supt. Oliver Tanseco habang nasa labas naman si Puno at iba pang kasama.

Hindi umano pinapasok ng kasambahay ni Robredo ang mga ito.

Dahil dito, tinawagan umano ni Tanseco ang abogado ni Robredo ngunit hindi rin nito pinapasok ang mga ito hangga’t walang naipiprisentang search warrant.

Kasama rin umano ni Puno ang isang Sr. Supt Joel Pagdilao at isang Apollo Reuben Toganon.

Bago ito, nagpunta rin umano ang grupo ni Puno sa mismong tanggapan ni Robredo sa Department of Interior and Local Government (DILG) sa Quezon City at pagkagaling naman sa condominium ay tinungo ang opisina ng yumaong kalihim sa National Police Commission (NAPOLCOM).

Batay sa logbook ng NAPOLCOM, alas-11:10 ng umaga nang dumating sina Puno.

Nabatid na nasa opisina ni Robredo ang mga dokumento ng imbestigasyon nito laban sa mga opisyal na sangkot sa katiwalian na kung saan ay mismo umanong si Puno at ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang target ng imbestigasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply