Update: Usec. Puno nag-resign

NAGBITIW na sa tungkulin si DILG Undersecretary Rico Puno.

Sa dalawang pahinang kalatas na ipinalabas ng opisyal ay sinabi nito na suportado niya ang desisyon ni Pangulong Aquino na bigyan ng “free hand” si incoming DILG Secretary Mar Roxas sa pagbuo ng bagong team nito sa departamento.

Sa pagbibitiw niya sa tungkulin ay naniniwala siyang nagawa naman nya ng maayos ang kanyang tungkulin sa abot ng kanyang makakaya.

Nauna rito, bago pa tuluyang abandonahin ang kanyang posisyon ay inilatag ni Usec. Puno ang chronological of events o ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari noong Agosto 18 at 19 2012 na ginawang “pulutan” ng mga media organizations laban sa kanya.

Aniya, Sabado, Agosto 18, 2012, eksaktong alas-8:45 ng gabi sa Mactan Cebu International Airport ay pasakay siya sa Cebu Pacific patungong Maynila. Bago pa siya sumakay ay tinawagan siya ng Pangulong Aquino at inatasan siyang i-secure ang tanggapan ng yumaong DILG Sec. Jesse Robredo.

Agad, aniya, niyang ipinarating kay Superintendent OIiver Tanseco, deputy chief ng Office of Internal Security ng tanggapan ni Robredo ang naging kautusan ni Pangulong Aquino.

Alas-10:30 ng gabi ay dumating ng Maynila si Usec. Puno.

Dakong alas-11:30 ng gabi ay nagpunta si Usec. Puno sa PNP Director-General’s Quarters, Camp Crame kung saan ang nandoon sina Usec. Austere Panadero, PNP Director-General Nicanor Bartolome, Joan dela Cruz, miyembro ng staff ni Robredo at S/Supt. Tanseco.

Tumawag, aniya, muli ang Pangulong Aquino sa kanya at iniulat niya sa Punong Ehekutibo na na-secure na nito ang tanggapan ng yumaong Kalihim.

Kinaumagahan, Linggo, Agosto 19, eksaktong alas-9:00 ng umaga ay pina-unahan niya ang pagsasara ng tanggapan ng Kalihim sa DILG Quezon City kung saan ay kasama niya sina S/ Superintendent Joel Pagdilao, Superintendent Oliver Tanseco, Chief Inspector Apollo Togonon at iba pang security oficers ng yumaong Kalihim.

Alas-9:30 ng umaga ay ipinaalam sa kanya ni Superintendent Tanseco na may mga dokumento sa loob ng residence/ condominium ng Kalihim; alas-10:00 ng umaga ay pinangunahan nito ang team na nag-secure ng condo unit ni Robredo, nanatili sa condominium lobby, inatasan ang team na lumagda sa condominium logbook ipara i-document ang kanilang presensiya, umalis ng condominium matapos ang 20 minuto.

Alas-10:30 ng umaga ay dumating siya sa Camp Crame at sinupervised ang pagsasara ng tanggapan ng Kalihim umalis ng Camp Crame matapos ang 15 minuto.

Eksaktong alas-11:30 ng umaga nang dumating si Usec. puno sa National Police Commission (Napolcom) building sa Makati City at muli ay sinupervised ang pagse-selyo ng ng tanggapan ni Robredo. Makalipas ang 20 minuto ay agad na siyang umalis.

At alas-3:30 ng hapon ay kasama naman niya si Justice secretary Leila de Lima at Presidential Security Group (PSG) team para magsagawa ng inspection , pagselyo at pag-secure sa tanggapan ni Robredo, condo unit, Camp Crame office at Napolcom office.

Nakumpleto, aniya, ang buong perasyonng alas-7:00 ng gabi.

Samantala, nang hilingin aniya sa kanya ng Pangulong Aquino na magsilbi sa DILG ay binigyang diin nito na kailangang patibayin ang institusyon upang ang mga uniformed personnel ay tunay na makapaglingkod at magsilbing protector ng taumbayan.

Sa loob, aniya, ng dalawang taon ay dinala niya ang mandatong ipinagkatiwala sa kanya ng Pangulong Aquino.

“We have introduced reforms to ensure full transparency of procurement and bidding processses. We have streamlined these processes to achieve the President’s objective of getting “the biggest bang for the buck” in providing basic equipment for enabling our uniformed personnel to perform their tasks effectively,” ang nakasaad sa dalawang pahinang kalatas ni Usec. Puno.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply