UST pinatumba ang NU, abante sa finals

UMABANTE na sa finals ang ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang UST Growling Tigers matapos na daigin ang National University Bulldogs sa iskor na 63-57 sa kanilang laban ngayong hapon.

Dikitan ang naging laban mula first half hanggang sa huling quarter ngunit ginamit ng Tigers ang kanilang experience at hindi nagpadaig sa Bulldogs.

Magugunitang ito naman ang unang pagkakataon na nakapasok sa Final Four ang NU sa nakalipas na 11 taon.

Ang mananalo naman sa naglalaban pang Ateneo Blue Eagles at De La Salle Green Archers ang makahaharap ng Tigers sa finals.

Gaya ng Tigers hawak rin champion Blue Eagles ang twice to beat advantage at target nila ngayon ang ikalimang sunod na kampeonato.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply