Utol napatay ng kadebateng parak

AGAD sumuko sa pulisya ang isang parak na nakapatay ng kapatid sa Ilagan City, Isabela.

Ang sumuko ay kinilalang si SPO1 Horacio Binalay, 43, ng Lenson, Gamu nakapatay sa kanyang nakatatandang kapatid na si Dominador Binalay, 56, magsasaka.

Sa imbestigasyon, nag-iinuman ang magkapatid na Binalay kasama ang ilang kaibigan nang magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Dito na bumunot ng baril si SPO1 Binalay at binaril ng isang beses ang nakatatandang kapatid na tinamaan sa kanyang upper left arm na tumagos sa kanyang dibdib.

Isinugod si Dominador sa isang pribadong hospital sa Ilagan City ngunit binawian ng buhay.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply