Van swak sa bangin sa Hawaii: 2 Pinoy patay, 7 sugatan

TODAS sa malagim na sakuna ang dalawang Filipino habang pito pa ang malubhang nasugatan nang salpukin ng isang trak at mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang van sa Big Island, East Hawaii kaninang madaling araw (Setyembre 13).

Dead on the spot sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan ang mga biktima na sina Josefina Visaya, 61-anyos, at Patrocinia Cadang, 54-anyos, kapwa tubong Barangay Pipias sa bayan ng Bacarra, Ilocos Norte.

Kritikal naman ang isang Marilyn Bagaoisan na dinala sa Queens Medical Center sa pamamagitan ng air ambulance.

Sugatan naman at isinugod sa iba’t ibang pagamutan sa Big Island at Honolulu ang mga biktimang sina Efren Chavez at ang kanyang misis na si Marilyn Chavez, na kapwa tubong Bacarra rin, dahil sa mga tinamong kapansanan sa ulo at katawan.

Ang iba pang sugatan ay nakilalang sina Maria Macadangdang at Gaila Visaya, residente rin ng Bacarra; Jay-R Soriano, 23, binata, na mula naman sa bayan ng Vintar, at si Teodoro Cadang na asawa ng isa sa mga namatay.

Naganap ang insidente kaninang madaling araw lamang sa isang bangin sa may Big Island, East Hawaii

Napag-alaman na ang mga biktima ay pawang empleyado ng Puna Certified na isang landscaping company sa isla ng Hawaii.

Pauwi na ang mga biktima mula sa kanilang trabaho nang banggain ang sinaksayan nilang van ng isang pick-up na minamaneho ng isang Berdon na ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nahulog ang naturang van sa may 15 talampakan lalim na bangin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply