Varsity player dumayb sa dorm sa Albay, patay

NALASOG ang katawan ng isang varsity player nang tumalon ito sa kanyang inuupahang dormitoryo sa lalawigan ng Albay.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital si Rich Monsalve, 20-anyos, criminology student ng Bicol Colleges at residente ng Barangay Namantao, Daraga, sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, natagpuan ang biktima na nakahandusay sa ibaba ng tatlong-palapag na dormitoryo dakong alas-11:30 nitong Linggo ng gabi (Setyembre 9).

Bago ito, tinangka din ng biktima na tapusin ang sariling buhay sa pamamagitan din ng pagtalon sa kanyang dormitoryo pero napigilan ng kanyang mga kasamahan.

Sa pag-aakalang napakalma na at nahimasmasan na, bumalik na sa pagtulog ang mga kasamahan ng biktima.

Lingid sa kanila, makalipas ang ilang oras ay bumalik pala si Monsalve sa itaas ng dormitoryo at bigla itong tumalon.

Sa imbestigasyon, napag-alamang may mabigat na problema sa pamilya ang biktima kaya tinapos nito ang sariling buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply