Vatican: Kasulatang may misis si Jesus, peke

VATICAN CITY – Walang katotohanan o peke ang lumang kasulatan na ayon sa isang Harvard scholar ay nagsasabing mayroong asawa ang Panginoong Hesus Kristo, ayon sa Simbahang Katolika.

Ayon sa editorial ng Vatican newspaper na L’Osservatore Romano, maraming dahilan para sabihin na produkto ng forgery ang nasabing kasulatan.

“Substantial reasons would lead one to conclude that the papyrus is indeed a clumsy forgery,” ayon sa editorial ng L’Osservatore Romano. “In any case, it’s a fake.”

Napag-alaman na naging sanhi ng debate ngayon ang iprinisinta ng Harvard professor na si Karen King sa Coptic Studies congress sa Rome, Italy noong nakaraang linggo.

Ayon kasi kay King, ang kasulatan na gawa noong 4th century ng ancient Egyptian Coptic ay nagsasabing “Jesus said to them, my wife.”

Hati rito ang reaksyon ng academic community na may ilang pinuri ang discovery pero karamihan ay nagpahayag ng pagdududa.

Sinabi ni University of Durham Professor Francis Watson, ang kasulatan ay parang rearrangement lang ng mga salitang Coptic.

“It’s really pretty unlikely that it’s authentic,” ani Watson.
Ayon pa kay Watson, posibleng pera ang dahilan sa pagsusulat ng sinuman sa naturang mga salita.

“It’s possible to get hold of an old bit of un-written on papyrus and write some new stuff on it,” dagdag ni Watson. “There is a market for fake antiquities throughout the Middle East … I would guess that in this case the motivation might have been a financial one.”

Sa panig ng Vatican, nagpalabas ito sa pamamagitan ng L’Osservatore Romano ng mahabang analysis ng eksperto na si Alberto Camplani ng La Sapienza university sa Rome.

Nagbabala pa ang Vatican na maging maingat sa paniniwala sa lumalabas na impormasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply