Vendor hinodap na, kinatay pa

BINALOT ng lagim ang lugar ng A. Reyes St., Barangay Lower Bicutan sa Taguig City matapos na matagpuan sa lansangan ang duguan at walang buhay na katawan ng isang flee market vendor na hinihinalang pinagnakawan muna bago pinaslang ng ‘di pa matukoy na salarin.

Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, napag-alaman mula sa kaanak ng biktima na si Fatima M. Candado, 51, nakatira sa 44 Maguindanao Avenue, IRM Road, Barangay Maharlika, dakong alas 3:00 ng umaga ng ang kanyang babaing pamangkin na nakilalang si Racma S. Anong, 35, ay pinaniniwalaang sinaksak ng patalim sa ibat-ibang bahagi ng katawan pagkaraang tangayin umano ng ‘di nakilalang salarin ang bitbit nitong branded na mobile phone at pera na pambili sana ng mga paninda.

Gumagawa pa rin ng masusing hakbang ang mga pulis upang matukoy ang salarin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply