Vice Mayor ng Laoag inatake sa puso, patay

PUMANAW na si Laoag City Vice Mayor Eddie Domingo makaraang atakehin sa puso kaninang umaga.

Ayon sa anak ni Domingo na si Ferdinand, nakita ng kanilang pamangkin ang bise alkalde na nakahandusay sa suelo bandang alas-4:00 ng madaling araw.

Nabatid pa kay Ferdinand na patuloy naman ang pag-inom ng gamot ng kanilang ama at regular din itong nagpapa-checkup.

Naitakbo pa sa emergency si Domingo sa isang ospital sa Laoag ngunit binawian din ng buhay.

Si Domingo ay pumanaw sa kanyang edad na 73.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply