Vices bumalik sa Batangas

MATAPOS ang ilang buwan na pamamahinga, muling bumalik ang operasyon ng illegal na sugal sa Batangas, partikular ang operasyon ng  iligal bookies ng Small Town Lottery na kilala rin sa tawag na Loterya ng Bayan.

Sa sumbong sa Chokepoint, sa bayan ng San Pascual, matindi ang STL bookies ng isang nagngangalang ‘Nene’ at isang ‘Minda’ naman ang may hawak ng pabookies sa  kanugnog na munisipalidad ng Bauan.

Gumagamit  sina ‘Nene’ at ‘Minda’ ng mga lehitimo at bogus na kubrador ng mga STL-franchise holder sa kanilang operasyon para palabasin na ang kanilang pag-ikot at pangongolekta ng  taya ay tama o ‘ligal’.

Malaki rin ang posibilidad, ayon sa nakalap nating ulat, na may itinatagong sikreto ang mga STL franchise owner na may kinalaman ang mga ito sa operasyon nina ‘Nene’ at ‘Minda’ para madaya ang gobyerno.

Maaring magkasapakat ang mga STL operator at sina ‘Nene’ at ‘Minda’. Malaki rin umano ang posibilidad na batid ng Batangas Police Office ang kutsabahan ng STL franchise owners at sina ‘Nene’ at ‘Minda’.

Kung bakit ‘di kumikilos ang Batangas PNP sa pagmama-niobra nina ‘Nene’ at ‘Minda’ sa STL, yan ay malaking palaisipan.

At ang maaring dahilan, baka ‘sanggang-diin’ o patong na raw ang kapulisan.

Ayon pa sa impormasyon, maliit na bahagi lang umano ang inire-remit ng mga kubrador ng dalawang lady gambling lords na ito sa totoong  STL operation at ang malaking bulto ng koleksiyon ay sa bookies operation.

Kung halimbawa’y may collection si ‘Nene’ na nasa P100,000, kanyang ipapasok ang P10,000  sa ligal na STL at ang P90,000 ay sa iligal na STL o bookies ire-remit, ayon sa report na ibinato sa Chokepoint.

Kung ano ang ginagawang hokus-pokus ni ‘Ne-ne’ ay ganundin umano ang gawain ni ‘Minda’, ayon pa sa sumbong na ating nakalap.

Bukod sa ilang tiwaling miyembro ng pulisya ng San Pascual ay itinuro rin ang isang Alias Dimayuga na protektor din ni ‘Nene’ sa kanyang iligal na hanap-buhay kung kaya’t ‘di tinitinag ng mga awtoridad.

Sa Bauan ay malimit na may bantay pang unipormadong pulis ang rebisahan ng STL bookies ni ‘Minda’ sa Sitio Pansol sakop ng Barangay 5, Poblacion Proper ng naturang bayan.

“Kahit nitong ilang nakaraang buwan na nabalitang naghigpit si Batangas Go-vernor Vilma Santos-Recto at  PD Acio kontra sa iligal na pasugal, ni minsan ay hindi pumalya ang mga ito sa kanilang iligal na pagpapatakbo ng STL bookies.

Paging Col. Rosaruo Acio, tila binabastos na naman, sir, ng mga vice lord ang iyong nasasakupan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply