Villards Cup, bubuksan sa Bulacan

MAGTATAGISAN ng kanilang galing sa bilyar ang 16 na manlalaro kabilang sina Efren “Bata” Reyes sa tinaguriang Villard Cup sa Bulacan ngayong Linggo.

Makakasama ni Reyes sina Francisco “Dyango” Bustamanete at Dennis Orcollo na gaganapin sa Star Mall sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Nasa ika-apat na tao na ang Villards Cup, isang serye ng billiard tournament na sinimulan ni Sen. Manny Villar na pumalaot sa iba’t ibang lugar sa bansa na siyang humimok sa kabataan na lumahok sa naturang laro.   Kilala ang Filipino bilang nangunguna sa bilyar sa buong mundo.

“Villards Cup is our own little way of encouraging the youth to engage in sports, and move them away from illegal drugs. Alam kong marami pang katulad ni Efren Bata o ni Orcollo sa ating mga kabataan. Gusto kong maging instrumento ang Villards Cup na matuklasan sila at mabigyan ng pagkakataon na makilala din,” ayon kay Villar.

“Billiards now matches the popularity of basketball among Filipinos, especially the youth. Support for this sport should be encouraged and enhanced,” dagdag ni Villar.

Pangungunahan nina Villar, Reyes, Orcollo at kasamang si Ronnie Alcano ang pagbubukas ng Villards Cup.

Napili ang 16 amateur player sa ilang serye ng qualifier, na nakatakdang mag-uwi ng aabot sa P300,000 na igagawad ni Las Pinas Rep. Cynthia Villar, managing director ng Villar Foundation sa pagsasara ng seremonya sa Lunes.

Samantala, naghain naman ni Villar ng Senate Resolution No. 875 na kumikilala kay Orcollo matapos itong magwagi sa 2012 China Open na ginanap sa Shanghai kamakailan.

“Orcollo’s win solidifies the Filipino’s dominance over billiards. For years, more and more Filipinos are getting international fame in this sport and like boxing, people are seeing billiards as the Filipino’s game,” ayon kay Villar.

Tinalo ni Orcollo si  Chinese-Taipei’s Lu Hui Chan, 11-9, sa finals na siyang dumagdag sa titulo nito. Nauna nang napagwagian ni Orcollo ang   World 8-ball Championship, International 10-ball Championship, World Pool League, World Pool Masters at ang US 10-ball Championship.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply