Voters registration, sinuspindi

PANSAMANTALANG sinuspindi ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpaparehistro ng mga botante sa bansa para sa May 2013 midterm elections simula bukas (Oktubre 1) hanggang sa Biyernes (Oktubre 5).

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, ang suspensiyon ay bilang pagbibigay-daan sa limang araw na paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga aspiring candidates para sa halalan sa susunod na taon.

Kaugnay nito, inaasahang magsisimula muli ang voters registration sa Oktubre 6 (Sabado).

“Sinuspinde po natin ‘yung voters registration from October 1 to 5. Magre-resume lamang ‘yan, October 6 na,” pahayag ni Jimenez.

Kaugnay nito, pinaalalahanan din ni Jimenez ang mga magpaparehistro na ang voters registration ay hanggang sa Oktubre 31 na lamang kaya’t dapat nilang samantalahin ito upang makaboto sa midterm polls.

Una na ring pinaalalahanan ni Jimenez ang mga miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK) na nakaboto noong nakalipas na SK polls, na magparehistrong muli para makaboto sa halalan sa susunod na taon.

Marami kasi umano sa mga ito ang may maling paniniwala na kapag nagparehistro na sila para sa SK elections ay maaari na rin silang makaboto sa national elections.

“The Comelec reminds SK voters during the 2010 elections to register anew so they can vote in the next year’s elections,” ani Jimenez.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply