Walang banta sa mga dayuhan – NCRPO

TINIYAK ni National Capital Region Police Office director Chief Superintendent Leonardo Espina na wala silang nakikitang “eminent threat” laban sa foreign nationals na nasa Metro Manila.

Ito’y bilang reaksiyon sa inilabas na “advisory” ng ilang mga embahada para sa kanilang mga kababayan dito sa Pilipinas.

Naunang naglabas ang embahada ng Amerika at pinag-iingat ang kanilang mga mamamayan sa posibleng pagsiklab ng kaguluhan sa Metro Manila, lalo na sa ngayon hanggang ika-10 ng Oktubre.

Kasunod sa advisory ng US Embassy, nagpalabas din ng “emergency message” ang gobyerno ng United Kingdom, Canada at Australia.

Sinabi ni Espina na naiintindihan niya ang pag-alala ng mga embahada para sa kaligtasan ng kanilang mga kababayan.

“Pero wala naman po tayong nakitang imminent threat. But our defense are well in place following our stricter defense system. Dati pa ‘yan eh. [Pero] OK naman lahat. We are watching over vital installations ( gaya ng embassies),” ayon kay Espina.

Sinabi rin ni Espina na maliban sa embahada ng Amerika, ngayon lang niya nalaman na nagpalabas na rin ng kaparehang “advisory” ang ibang mga bansa na nabasa lamang umano niya sa mga dyaryo.

Dagdag pa niya, “It’s really part of our daily job to secure vital installations, not only of the United States and other countries, but every vital installations within my area of responsibility.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply