Walang nangyayari sa mga imbestigasyon – Bishop Cruz

AMINADO ang isang Catholic archbishop na nawawalan na siya ng tiwala sa mga imbestigasyong isinasagawa ng pamahalaan sa tuwing may nabubunyag na anomalya sa bansa.

Ito ang pahayag ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz bilang reaksiyon sa ulat na paiimbestigahan umano ni Education Secretary Armin Luistro ang mga paaralan sa bansa na sinasabing napasok na ng jueteng operation.

Kaagad naman nitong nilinaw na hindi niya minamasama ang naging pahayag ni Luistro na alamin ang katotohanan sa kanyang expose na mayroon na ring operasyon ng jueteng sa maraming public schools sa Luzon at Metro Manila.

Ipinaliwanag rin naman ni Cruz na sawang-sawa na lamang talaga siya sa mga sinasabing imbestigasyon ng pamahalaan.

Wala naman kasi, aniyang, nangyayari sa mga ito dahil nauuwi lamang sa wala at nasasayang lamang ang pera ng bayan.

“Isa lang kaagad ang sumasaisip ko, imbestigasyon na naman, sanay na sanay na tayo sa imbestigasyon. Inuumpisahan ang imbestigasyon at natatapos sa imbestigasyon,” paliwanag pa ni Cruz, sa panayam. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply