Walang peke sa katawan ni Bela Padilla!

AFTER ng big break na nakuha niya bilang leading lady ni Aljur Abrenica sa “Machete”, heto’t bidang-bida na ngayon si Bela Padilla sa kanyang sariling teleseryeng “Magdalena” na mapanonood na sa GMA Afternoon Primetime Block simula sa Oct. 8. Yes, bagay na bagay kay Bela ang sexy character niya sa Magdalena dahil seksing-sexy rin siya sa vital stats niya na 35-25-35 at sa mala-beauty queen na height niya na 5’7”.

Pero would you believe, rati ay patpatin lang siya noong bagets pa at kahit noong nag-high school na siya ay 4’11” lang ang kanyang height. Pero nang nag-14 years old na siya ay nagsimula na siyang tumangkad at nagkaroon na rin ng korte ang kanyang katawan na wala ni isang niretoke rito.

All natural raw ang nakikita nang lahat pati na lahat ng bahagi ng kanyang mukha. “I have nothing against cosmetic surgery. Kung gusto ng isang tao na magpaganda, okey lang na gawin yun. Pero sa akin kasi wala naman akong dapat na ipagawa pa,” pahayg ni Bela.

Minsan ay nagkaroon na sila nang sigalot noon ni Marian Rivera. Lately ay napabalita na nagbati na sina Marian at Heart Evangelista, may pag-asa rin bang magkaayos na rin sila ni Marian? “Wala naman sa akin ‘yun e. Ang problema lang kasi, kahit pareho kaming Kapuso ni Marian ay walang pagkakataon na magkita kami sa GMA,” pahiwatig ni Bela.

***

MUKHA yatang handang sundan ni John Edric Ulang, Mr Pogi 2012, ang mga yapak nina Jericho Rosales at Edgar Allan Guzman dahil ngayon palang ay inuulan na siya ng offers. Kinukuha na siya ngayon na magbida sa isang whole-some drama indie film. Malaki rin ang posibilidad na magbida siya sa isang bagong weekly youth-oriented show sa GMA! At lalabas na rin siya sa Party Pilipinas ngayong Linggo!

Magaling kasing kumanta si John Edric kaya naman pati ang pagdu-duet kay Julie Anne San Jose ay na-carry niyang gawin sa Eat Bulaga.

Nakapag-show na rin siya sa Zirkoh kasama sina Aljur Abrenica at Alden Richards. At pati sa mga probinsya tulad ng Tarlac at Pangasinan ay dinala na rin siya ng EB para magshow.

Sa ngayon ay may 15 fan pages na siya sa Facebook at may 18,000 friends at subscribers na siya sa personal FB account niya. Good luck sa career mo, John Edric!

***

SINA Paolo Contis at Mikey Bustos ang guests sa Bubble Gang this week. Kasama sila sa Bampira gags at Lucky Me Namnam commercial spoof.

Matatarayan ni Mr. Assimo ang kanyang kasambahay samantalang mag-eendorse ng apron si Ogie bilang si Zac Apron.

May version ng BG ng Mr. Pogi, ang Mr. Panget. Apir rin ang Cheche Bureche, Ba’t Ganun, Ang Dating Doon at Moymoy Palaboy (Dilemna).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply