‘No proof na protektor ako ng jueteng’ – Puno

SA KANYANG pagdalo ngayon sa imbestigasyon ng Senado, sinabi ni resigned Interior undersecretary Rico Puno na wala namang maipakitang ebidensiya na siya ay top protector ng illegal numbers game na jueteng.

Sa pagsimula ng pagdinig, sumentro ang usapin sa iligal na sugal na iniuugnay kay Puno na kanya namang tahasang itinanggi.

Sa binasang pahayag, sinabi ni Puno na dalawang taon na ang nakararaan nang akusahan siya na protektor ng nasabing sugal ngunit walang naisampang kaso laban sa kanya.

“My accusers had no evidence whatsoever to substantiate their accusation. This only shows that my accusers either knowingly lied or irresponsibly maligned my person,” wika ni Puno.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply