Walk this Way: Gawang Marikina, kinikilala

KUNG marami ang naniniwala na tapos na ang mga maliligayang araw ng shoe industry sa Marikina dahil sa pagbabaha ng mga murang sapatos galing sa China, meron pa ring mga tulad nina Ryan Salvador, Tet Atanacio-Curry at ang mga kasama nila sa Sapatos Festival committee na hindi susuko at puspusan ang pagpo-promote ng shoe industry mula pa noong isang taon.

Kung “The Shoe must go on!” ang battlecry ng Marikina last year … “Walk this way!” naman ngayon.

In-adopt din nila ang “Gawang Marikina, Gawang Kinikilala” na positioning statement ng PCCI Marikina at presidente nitong si Ed Francisco sa trade fair ng local chamber sa Megatrade Hall sa SM Mega Mall noong 2011.

Mantakin mong nakabenta ng P1.8 million ang Patio Del Zapateros sa unang linggo pa lang nang pagbukas nito sa tabi ng Shoe Museum sa San Roque. Ang bentang ‘yan ay 9% ng target sales para sa kabuuan ng Sapatos Festival.

Ibang klase talaga pag itong si Ryan Salvador at ang Sapatos Fest team ang trumabaho!

Tiyak na successful! Kaya naman mula sa 28 shoemakers noong isang taon, 43 shoemakers na ang sasama sa Shoe Caravan ngayong taon. Sa Oct. 1 na ang launching nito at sa Valenzuela City Hall ang unang bibisitahin hanggang sa malibot nila ang lahat ng bayan sa Metro Manila.

Abangan n’yo po ang pagbisita ng Shoe Caravan sa inyong bayan kasi napakamura ng mga sapatos at iba pang footwear na ibebenta nila riyan. Napakatibay pa! Tama po ba?

Diyan na kayo sa Shoe Caravan bumili ng ipamamasko n’yo sa sarili n’yo, sa anak n’yo, sa mga kamag-anak n’yo, sa kliyente n’yo, atbp. Suportahan natin ang local shoe industry.

Alam nyo ba, ayon kay Mayor Del R. De Guzman, 3,000 ang mga shoemaker noong kalakasan ng shoe industry. Ngayon, mga 125 shoemaker na lang ang natitira sa Marikina.

Kaya’t kung gusto ninyong manatili ang matibay na sapatos sa halagang kaaya-aya…Walk this way na sa Marikina! Kasi, rito… Gawang Marikina, Gawang Kinikilala! How about that, Mayor Lenlen and Gen. Espina?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply