‘Waray country’ sumanib sa NP

TULUYAN nang nakuha ng Nacionalista Party (NP) ni Sen. Manny Villar ang tinaguriang “Waray country” matapos sumanib sa partido ang mahigit isang daang lokal na opisyal at lider pulitikal sa Rehiyon 8 na kinabibilangan ng Samar at Leyte.

Sa ipinalabas na pahayag, sinabi ni Villar na patuloy na magiging dominanteng partido ang NP sa bansa na may limang senador, 30 kongresista, 10 gobernador at mahigit 200 alkalde.

Aniya, patuloy ang pagbuhos at pagsanib sa NP, isang linggo bago sumapit ang takdang panahon sa paghahain ng certificate of candidacy sa mga kandidato sa susunod na halalan.

Kabilang sa dumalo sa oath taking ceremony na ginanap sa Tacloban City sina Mayor Alfred Romualdez, asawang si councilor Cristina Romualdez at Eastern Samar Vice-Gov. Christopher Sheen Gonzales.

Manumpa bilang bagong miyembro ng partido sina Incumbent Guiuan, Eastern Samar Mayor Analiz Kwan na tatakbong kinatawan sa House of Representatives at Samar Vice Gov. James Tan .

Nilinaw naman ni Villar na walang balak ang partido na mangalap ng miyembroo sa ibang partido pulitikal habang patuloy nitong hinihigpitan ang dominasyon sa pampulitikang arena ng bansa.

“We have a rule to follow. We don’t just recruit. Our political mantra that is ‘bayan muna bago ang sarili’ should be strictly adhered by our members,” ayon kay Villar.

Magtatapos na ang termino ni Villar sa susunod na taon kaya ikinandidato nito ang asawang si Las Pinas Rep. Cynthia Villar kabilang sina Sen. Allan Peter Cayetano at Sen. Antonio Trillanes IV.

Sinabi pa ni Villar na aayusin ang arbitrary committee ng Liberal party led coalition sa NP at Nationalist Peoples Coation (NPC) ang posibleng sigalot na mangyayari sa local na eleksiyon.

“Pero kung hindi na talaga mapipigilan ang banggaan ng coalition candidates sa local level, we will declare the area as free zones. May the best man wins na lang,” giit ni Villar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply