Website ng BSP, MWSS na-hack

MALAKING perhuwisyo sa ahensya ng gobyerno ang pakaka-hack ng grupo ng kumukondena sa Cybercrime Act ang opisyal na website ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Kapwa isang mensahe ang inilagay sa mga website ng dalawang ahensya na nagmula sa nagpakilalang “Anonymous Philippines”.

Dito ay binanggit kung paano pumasa bilang batas ng Pilipinas ang Cybercrime Act na umano’y sumusupil sa kalayaan sa pamamahayag.

Matatandaang kamakailan lang ay pinirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Kasama sa mga probisyon ang online libel, pagbibigay ng kapangyarihan sa mga alagad ng batas na mangalap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng anomang uri ng computer system gayundin ang pagharang ng Department of Justice (DOJ) sa ilang impormasyon sa internet na maituturing nitong labag sa batas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply