Website ng Intellectual Property Office inatake ng hackers

INATAKE ng lokal hackers ang website ng Intellectual Property Office (IPO) matapos unang sirain ang website ng pitong ahensya ng gobyerno.

Ang pag-atake sa IPO ay sinasabing protesta din sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Hindi pa naman batid kung ang nasa likod ng panibagong hacking incident ay ang “Anonymous Philippines” na siyang umatake sa mga website ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno kahapon.

Kahapon, hinamon din ng Malakanyang ang mga tumututol sa anti-cybercrime law na dumulog sa tamang forum.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply