Winner pa sa P300-M lotto jackpot kumubra na

LUMUTANG na at kumubra ang second winner sa P300 million jackpot prize sa September 12 Grand Lotto 6/55 draw.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Jose Ferdinand Rojas, ang second winner ay 66-anyos na babaeng retiree mula sa Southern Leyte.

Una nang kinuha ng nanalong tricycle driver mula sa Bataan ang kalahating premyo na umaabot ng P299,897,496.

Ang dalawa ang nakatsamba sa winning combination na 25-52-26-05-49-17 sa nakaraang linggo na draw.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply