Word war sa Spratlys

MALALA na ang sigalot ng Tsina at Pinas.

Malala na rin ang bintangan nina Senador Antonio Trillanes at ni Foreign Affairs Secretary Alberto del Rosario.

Si Trillanes pala ang messenger ni Pangulong Noynoy sa usapang Tsina at Pinas hinggil sa sigalot sa South China sea o Philippine Sea sa bahagi ng Spratly Islands.

Si Del Rosario naman, ayon kay Trillanes, ay dating subordinate ni Manny V. Pangilinan (MVP) na may kontrata na maghanap ng langis sa dagat ng Recto Bank sa Palawan.

Pag nanalo ang China sa Spratlys, patay ang negosyo ni MVP sa Philippine Sea.

Iyan daw ang dahilan kung bakit gigil na gigil ang Tsina at si MVP na makuha ang Spratlys. Eto raw Recto Bank ay parang bangko na magdudulot ng walang katapusang kayamanan sa Tsina o kay MVP at siyempre, ang Pinas.

Eto raw Recto Bank na ito ang pinakamalaking oil discovery sa South China Sea na pormal nang tinatawag na Philippine Sea ni PNoy.

Pero sa away na ito between Trillanes and Del Rosario at between China and the Philippines, dalawang personalidad ang tahimik lamang: Ang simbahan (Catholic, Iglesia, Saksi etc.) at ang Communist Party of the Philippines.

Siguro ay sobrang busy ang simbahan sa paglaban sa Reproductive Health (RH) bill kaya ayaw nitong makialam sa giyera patani sa Spratlys.

Katulad baga noong World War II.

Ayaw makialam ang Papa sa war sa Europe at Asia kahit na milyon-milyon na ang namamatay sa giyera.

Ayaw din malamang na makialam ang mga relihiyoso sa territorial dispute sa Spratlys.

At bago ko makalimutan, may bago nang policy ang Tsina sa population control.

Puwede nang magparami ang mga Tsino kahit na 1.5 billion people na sila ngayon.

Kasi, darami lalo ang kanilang mga sundalo, at lalong darami ang mga manggagawa at lalo ring darami ang kanilang overseas workers.

Sa dami ng mga Chinese around the world, knocked out tayo agad talaga riyan.

At ang CPP ay wala namang maliwanag na sinasabi tungkol sa Spratlys.

Ang CPP ay kaalyado ng bansang Tsina at hindi ang Pinas.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply