World Summit ipinalit sa WPA 10-ball tourney

IPINALIT ng Raya Sports ang dalawang world-ranking events sa kinansela nilang WPA World Ten Ball Championship na dapat ay sasarguhin mula Oktubre 9 hanggang 14 sa SM Megamall, Manila.

Ang World Ten Ball Championship na sisimulan sa November 19-25, at 2012 WPA World Pool Summit sa November 26-28 at December 1- 4 na parehong tutumbukin sa Skydome, North Edsa ay pagtutuunan ngayon ng pansin ng mga billiard fans.

Dahil sa problemang kinahaharap ng mga organizer minabuti nilang ikansela na muna ang nasabing prestihiyosong event kung saan ay pang-anim na edisyon na sana.

Nagsimula ang staging ng World championship dito sa Pilipinas noong 2006.

Sa Disyembre 4 ipoproklama ng international body WPA ang 2012 Male at Female Player of the Year.

Ayon sa organizers, napaganda naman ang kanselasyon dahil dalawang event naman ang mapapanood ng mga fans.

“One possible benefit of the changed schedule for players, fans and pool officials alike is that they can now join and watch two world-ranking tournaments in Manila on just one visit to our capital”. saad sa sulat ng organizer.

Ang Summit event ay tutumbukin ng kalalakihan at kababaihan.

Humihingi naman ng paumanhin ang oraganizer na sana ay maintindihan sila ng mga bilyarista.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply