Yaya kulong sa pagtakip ng bibig, ilong ng alagang bata

KULONG ang isang yaya matapos mahuling tinatakpan ang ilong at bibig ng alagang bata upang tumigil sa pag-iyak sa Caloocan City kagabi, Setyembre 3.

Nahaharap sa kasong child abuse si Joybee Almamento, 19 stay-in sa Phase 3-C, Kaunlaran Village ng lungsod.

Ayon sa ulat, alas-8:30 ng gabi nang makita ni Maria Christina Mercado na tinatakpan ng suspek ang bibig at ilong ng anak niyang isang taong gulang na baby upang tumigil sa pag-iyak.

Agad na kinuha ng ginang ang sisinghap-singhap na anak sabay punta sa barangay tanod at ipinadakip ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply