‘Year of faith’, ipagdiriwang ng Archdiocese of Manila

PINAGHAHANDAAN na ng Archdiocese of Manila ang nalalapit na pagdiriwang ng ‘Year of Faith’ na sisimulan sa Oktubre 11, 2012 at magtatapos sa Nobyembre 24, 2013, alinsunod na rin sa deklarasyon ni Pope Benedict XVI.

Sinabi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na may 700 pari, religious nuns mula sa iba’t ibang kongregasyon at mga lay people ang sumailalim sa orientation-seminar hinggil sa pagdiriwang at new evangelization, na ibabahagi rin nila sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Tagle, ang Year of Faith, na may temang “Tanging kay Kristo; Manalig… Sumampalataya,” ay kasabay ng ika-50 taong anibersaryo ng Vatican II at ng 20th anniversary ng Katekismo ng Simbahang Katoliko.

Aniya, may tatlong puntos na dapat pagnilayan o ikonsidera para sa selebrasyon na kinabibilangan ng kung ano ang pinaniniwalaan ng tao, ano ang ipinagdiriwang ng tao at ang pananampalataya na isinabuhay.

Ipinaliwanag din ng arsobispo na ang pananampalataya ay dapat na tanggapin ng paulit-ulit.

“Faith is known, celebrated and lived. Because our only weapon is faith and we want to engage the world in a rational sharing on the content of faith. The celebration of faith is something the world can benefit from,” ani Tagle.

Sinabi naman ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na ang pagdiriwang ng Year of Faith ay bahagi ng siyam na taong paghahanda ng simbahan sa pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bansa sa taong 2021.

“The celebration for the said year will deepen our knowledge of the Christian faith; appreciates the value of the Christian faith; to be committed to the faith and to live it out and to share the faith to others,” ani Pabillo.

Hinikayat pa ni Pabillo ang mga kalahok na bisitahin ang website ng archdiocese para sa ‘Year of Faith’ na www.yearoffaith.ph at ang facebook page nito na www.facebook.com/yearoffaith .

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply