Zsa Zsa dumating na sa bansa

DUMATING na kaninang umaga sa Pilipinas ang singer/actress na si Zsa Zsa Padilla matapos ang matagumpay na cancer operasyon sa Los Angeles.

Ayon sa anak ni Zsa Zsa na si Karylle, dumating ang Divine Diva kasama ang anak kay Comedy King Dolphy na si Zia.

Nabatid na si Zia na bunso sa angkan ng Quizon family ang siyang nagsilbing isa sa mga nurse ni Zsa Zsa habang ito ay nasa ospital sa Amerika.

Pero ayon kay Karylle, aabutin pa ng ilang buwan bago bumalik sa trabaho ang kanyang ina upang makapagpagaling ng husto.

“ Siguro in a month’s time, she’ll be able to work again,” ani Karylle.

Hangad ni Padilla na makapag-perform sa concert para sa kanyang yumaong lovey, na na-reset matapos umanong mapanaginipan ng isa sa mga anak ni Pidol na si Epi na tila ayaw pang ituloy ng comedy king para mahintay ang pagbabalik ng Divine Diva sa Pilipinas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply