1.5-M residente makikinabang sa P500-M pasilidad-pantubig

ANG Capistrano Facility ay may pinakamalalim na pundasyon sa panahong kasalukuyan na itinayo ng Manila Water. Ito ay umaabot ng 60 metro mula sa natural grade line.

Ito ay espesyal na dinisenyo upang makaagapay sa Climate Change at makapagsanggalang sa mga potensyal na maaaring maging resulta ng paglindol na pwedeng makapagdulot ng problema sa pile system.

Isa ring paraan para sa pangkalahatang industrial complexes na makatutulong upang mapatatag ang bigat na matatagpuan sa mga di – matibay na kondisyon ng lupa.

Isang seismic hazard assessment ang ginawa upang mataya ang tibay ng kabuuan ng pasilidad. Dahil sa ganitong kaparaanan  ay naging kauna-unahang Manila Water na pasilidad ito, na dumaan sa pinagsamang proseso ng seismic hazard assessment at nagkaroon din ng malalim na pundasyon ng pile.

“Ang Capistrano Facility ay magsisilbing benchmark para sa mga pangunahing estraktura at pasilidad na naitayo ng Manila Water,” ayon pa kay Abelardo P. Basilio, Manila Water’s Strategic Asset Management group head.

“Dahil sa pagkakasama ng earthquake – resilient structural standards sa mga darating pang proyekto ng Manila Water, ito ay nakahandang lalong itaas ang kanilang mga pamamaraan upang umunlad pa ang kanilang pagseserbisyo sa mga tao sa pamamagitan ng makabagong design philosophies, na titiyak sa pagpapatuloy ng maayos na serbisyo, at ang pagsasanggalang sa mga posibleng di – magandang epekto ng kalamidad at sakuna na mga nangyayari sa kapaligiran,” dagdag pa ni G. Basilio.

Kapag ang mga sumusunod na adhika, layunin ay napalakas, ang Capistrano Facility ay makapaghahandog ng malawak, maayos, kapaki-pakinabang at makatotohanang serbisyo mula sa Taguig Water network.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply